3/23/2010
Ina kasusuklaman ba kita 03/23/10
ABOUT:
Sa pagbubukas ng taong 2010, isang panibagong obrang pang-telebisyon ang dapat abangan ng mga manonood sa Dramarama block ng GMA.
Sa pangunguna ng mag-inang Jean at Jennica Garcia, pinagsama-sama sa Sinenovela Presents Gilda Olvidado's Ina Kasusuklaman Ba Kita? ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor at aktres kabilang sina Ariel Rivera, Lloyd Samartino, Luis Alandy, Karla Estrada, Richard Quan, Regine Tolentino, Dion Ignacio, LJ Reyes, Iwa Moto at Paulo Avelino.
Muling ipamamalas ni Jean Garcia ang kaniyang di-matatawarang husay sa pagarte bilang si Alvina Montenegro, isang mapagmahal ngunit mahigpit na inang gagawin ang lahat mabigay lamang ang marangyang buhay sa kaniyang mga anak. Sa unang pagkakataon, makakasama niya ang real-life daughter nitong si Jennica na mula sa romantic-comedy ay sasabak naman sa heavy drama, bilang mabait at masunuring anak na si Rizzi Montenegro.
Iikot ang kuwento sa buhay nina Alvina (Jean Garcia) at sa tatlo niyang anak na sina Rav (Dion Ignacio), Rossan (Iwa Moto) at Rizzi (Jennica Garcia). Iba't iba man ang ama, sinikap ni Alvina na gawing normal at maayos ang samahan nila bilang isang pamilya.
Sa tatlo magiging pinaka malapit si Alvina kay Rizzi dahil 'di tulad nila Rav at Rossan ay lumaki ito ng walang kinagigisnan na ama. Subalit nagbago ang lahat nang isang araw ay isang nagngangalang Daniel Bustamante (Ariel Rivera) ang biglang nagpakilalang ama ni Rizzi.
Dahil sa pagiging materialistic, tutol si Alvina sa pakikipagkita ni Rizzi at Daniel dahil mahirap lamang ang ama ng bunsong anak niya. Umabot sa puntong pinabawalan na niya ang anak na makipagkita sa ama kaya ng tumuntong ng 18 anyos si Rizzi, nagplano ito na tumakas at lumayo nang tuluyan sa poder ni Alvina.
Upang patunayan ang kanyang kakayahan bilang padre de pamilya, sumubok sa negosyo si Daniel subalit nabigo ito dahilan para gumawa ito ng isang mabigat na krimen. Nakulong si Daniel at 'di na muling nakita ni Rizzi.
Pinaniwala ni Alvina na inabandona ni Daniel si Rizzi. Samantalang, tinalikuran ng politikong ama niya si Rossen dahilan para sisihin ng huli ang kanyang ina. Si Rav naman—na 'di normal na pagiisip dulot ng isang hindi malilimutang pangyayari noong kanyang kabataan—ay lalo lamang lumalala na maaring maging mitsa ng kaniyang buhay.
Walang ibang sisihin si Alvina kung hindi ang kanyang sarili dahil sa malungkot na sinapit ng mga anak. Dahil sa labis niyang kagustuhan na mapabuti ang mga ito ay mas lalong pang lumayo ang loob ng kanyang mga anak sa kanya.
Ang Sinenovela Presents Gilda Olvidado's Ina Kasusuklaman Ba Kita? ay mula sa direksyon ni Gil Tejada habang ang theme song nito ay mula sa world-renowned violinist na si Alfonso "Coke" Bolipata. Sundan ang pinakabagong handog ng Sinenovela na susubok sa tibay ng samahan ng mag-iina simula ika-25 ng Enero mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kaya Kong Abutin Ang Langit sa GMA Dramarama sa Hapon.
Credit to:
Labels:
ina kasusuklaman ba kita
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment