3/23/2010

The last prince 03/23/10


ABOUT:
For years, dinala tayo ng GMA Telebabad sa iba't-ibang mundo ng kababalaghan at salamangka; pinakalila tayo sa kingdom ng Avila in Mulawin, sa mahiwagang mundo ng Encantadia, to the magical realm of Saladin in Majika, the underwater dominion of Atlantika, sa chaos ng iba't-ibang kaharian ng Ambograw in Kamandag, at sa supernatural territory ng mga engkanto sa Luna Mystika.

Ngayon, through The Last Prince, dadalhin naman tayo ng GMA Network sa isa na namang bagong mundong ating kagigiliwan: sa Paladin, ang kaharian ng mga Diwani sa kalangitan.

This spellbinding telefantasya takes us to a world kung saan totoo ang magic, where supernatural creatures really do exist; a place where love, friendship and sacrifice are the core values na pinahahalagahan ng mga nasasakupan.

The Last Prince tells the fairy tale story of a kingdom in the clouds: Paladino. Isang mahiwagang kaharian na pinamumunuan ni Haring Adorno (Emilio Garcia) at ng walang kasing-gandang si Reyna Lamara (Carmina Villaroel). Sila ay biniyayaan ng tatlong maganda at matitipunong mga anak; sina Prinsesa Saraya (Bubbles Paraiso), Prinsipe Javino (Geoff Eigenmann) at Prinsipe Almiro (Aljur Abrenica).

But the peaceful and perfect life in Paladino is suddenly threatened sa pagkawala ng kanilang mahal na tagapagmanang si Prinsipe Javino. Ang hindi nalalaman ng mga taga-Paladin ay orchestrated ang pagkawala ng mahal na prinsipe by the most powerful and wicked black diwani in Paladino: Alwana (Princess Punzalan).

Sa pagkawala ni Prinsipe Javino, magbabago ang buhay ng pilyong si Prinsipe Almiro. Haring Adorno immediately declares him successor to the throne, the next King of Paladino. At para patinuin ang kanyang makulit na anak, ipakakasal niya ito agad.

Maghahanda ng pagtitipon ang Hari para makapili ang kanyang bunsong anak ng mapapangasawa; at isa sa mga darating ay ang pangit na si Bawana (Bianca King), ang anak ni Alwana.

Because of Bawana's hideous face, Alwana decides to cover her with a spell—para lumitaw siyang maganda sa harap ni Almiro, at para siya ang piliin nitong mapangasawa. Pero bago sila ikasal, malalaman ni Prinsipe Almiro ang panloloko ng dalawa, and he sends Bawana away.

Sa galit ng dalaga, isusumpa niya ang Prinsipe—he will become ugly like her, and he will never regain his face until a girl falls in love with him despite his ugliness.

Sent to walk in the world of men hanggang sa mahanap ang kanyang true love, Prinsipe Almiro recruits his loyal servants para dalhin sa kanya ang mga babaeng makakapagmahal sa kanya despite his looks. But Bawana adds a condition to her curse: he only has three chances to make a woman fall in love with him.

At matapos ng mahabang panahon, Prinsipe Almiro finally meets Lara (Kris Bernal). Despite his looks, the kind-hearted and simple Lara begins to fall in love with him. Siya na ba ang magtatapos sa sumpa ni Bawana kay Prinsipe Almiro?

Kung mawala na nga ang sumpa kay Prinsipe Almiro: will he choose to stay with Lara? Or will he return to his kingdom para i-fulfill ang kanyang destiny bilang tagapagmana ng trono ni Haring Adorno?

The Last Prince also stars Eula Valdez, Angelu de Leon, Chynna Ortaleza, Benjie Paras, Chanda Romero, Paolo Ballesteros, Karen delos Reyes, Stef Prescott, Elvis Gutierrez, Joey Paras, Francis Magundayao, Rita Iringan and Angelie Nicole Sanoy; with the special participation of Carla Abellana.

Headed by A-list director Mac Alejandre and seasoned headwriter RJ Nuevas, The Last Prince will captivate hearts every weeknight, pagkatapos ng Darna, parte ng GMA Telebabad.

Credit to:

0 comments:

Post a Comment